Barangay Officials

Hon. Flaviano M. Reano

Barangay Captain

Hon. Ryan M. Coloma

Councilor

Hon. Milagros M. Alcaraz

Councilor

Hon. Roderick D. Sanmocte

Councilor

Hon. Donato M. Robiso

Councilor

Hon. Apolinario M. Alogado

Councilor

Hon. Fernando G. Fedelin

Councilor

Hon. Ricardo P. Mojar Jr.

Councilor

Hon. James Kenneth M. Macabael

Councilor

Hon. Ariel B. Ulit

IP’s Mandatory Representative

Sec. Rhex J. Rico

Brgy. Secretary

Treas. Feleciana R. Anyayahan

Brgy. Treasurer

Villa Pagasa Landmark

Barangay VIlla Pagasa

Barangay Villapagasa is an Agricultural Barangay, formerly a sitio of Barangay exits covered the former name is Sitio Tangon footage in the name of the river that was going here. Parted and fully included in the Municipality of Bansud Covered by the Municipality of Bongabong. Barangay Villapagasa is located on the west side of Bansud with a total area of 485,8034 hectares of land consisting of Ten (10) sitios, it consist plains, mountains and already contains a variety of plants. The early inhabitants were the tribes of Mangyans before the foreign from Batangas, Romblon, and Marinduque, and, led by Mr. FAMPILO VILLALUZ that a resident Batangueño and exit, and Mr. Basilio Lalo, a resident of Tangon Marinduqueño including citizens are united to change the place of Villapagasa and asked the Municipal Council to become a fully Barangay at present, the ruling as Barangay Captain of Villapagasa was Hon. Flaviano M. Reano.

The Barangay Villapagasa is located in Municipality of
Bansud which has fourteen (14) kilometers away from the said town and between
this, the Northern is Barangay Bato, Barangay Malo in the West, to the South is
Barangay Manihala and Rosacara, East Barangay also has the Barangay Sumagui.
And it has plains and mountains Barangay. Its jurisdiction is 748.4266 square
meter, residential-14.5768 sq.m. Commercial 0.8831 sq.m, Industrial 0.538 sq.m.
and agricultural is 664.5242 sq.m and consists of ten (10) sitios , Sitio
Apnagan, Boulevard, Aclejo, Narra, Pook Masaya, Pinaglabanan, Lower Villa,
Centro Villapagasa, Sta. Fe. The Main livelihood pf Citizens in Barangay
Villapagasa is farming.

               

Kasaysayan ng Villa Pagasa

Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pasipiko (Dec. 8, 1941) may isang maliit na sityo sa gawing hilaga ng baryo Labasan, Bongabong, Mindoro (hindi pa nahahati ang Mindoro)  na ang layo sa nasabing nayon ay humigit kumulang na pitong (7) kilometro. Ang pangalan ng sityo ay ”TANGON”, kuha sa pangalan ng ilog na tumutulak dito na siyang ipinangalan ng mga katutubong Mangyan. Mangilan-ngilang binyagan o Kristyano ang naninirahan at nagbukas ng gubat na ginawang kaingin ngunit hindi palagiang tumitigil dito dahil sa sakit na malaria. Kaya ang lugar na ito pinangangasuhan, pinagkakainginan, at pinagkukunan lamang ng mga pruduktong tulad ng  uway at iba pa, sa panahong tag-init. Naging taguan din ito ng mga guerilla at mga kaanak nila noong panahon ng pananakop ng mga Hapones dito sa ating bansa.

            Pagkatapos ng digmaan, (1945-1946) dumami ang mga dayuhan mula sa Batangas, Marinduque, Romblon at iba pang lugar. Dumami rin ang palagiang tumitira sa paghahangad ng ikabubuhay at magkaroon ng sariling lupain.      

Taong 1950-1954, unang nagsidating ang mga negosyanteng Intsik. Nagtayo sila ng mga trosohan at lagarian. Nagbukas ng mga kalsadang nag-uugnay sa Pambansang lansangan at gayundin sa kagubatan.    Sa pangunguna nina G. Pamfilo Villaluz, isang Batanggenyo at residente ng Labasan, at G. Basiliso Lalo, isang Marinduqueño, residenteng Tangon, kasama ng mga mamamayan ay nagkaisa na ang pangalan ng lugar ay palitan ng Villapagasa at hilingin sa Konseho Munisipal na ito ay maging isang nayon, mula, sa pagiging isang sityo ng Barangay Labasan.

Taong 1956, Pebrero 25, nang itatag ang Baryo Villapagasa sa pangunguna ni Kgg. Tenyente del Baryo Basiliso Lalo at pangalawang Tenyente del Baryo Leonardo Galigao.

 

Mga Namuno sa Pagunlad ng Brgy. Villa Pagasa

Tenyente Konsehal Basiliso Lalo (1956)

Tenyente Konsehal Catalino Casapao (1951-1955)

Tenyente del Baryo Justaciano Robiso Sr.(1955-1957).

Tenyente del Baryo Federico Castro (1958-1960).

Kapitan del Baryo Justaciano Robiso Sr.(1961).

Kapitan del Baryo Nicanor Matining Sr.(1968-1972).

Kapitan del Baryo George Muros (1972-1982).

Kapitan ng Barangay Simeon Garcia (1982).          

Kapitan ng Barangay Cresencio Diaz (1982-1985).

Kapitan ng Barangay Jose Murillo (1986).

Kapitan ng Barangay Escolastico Tolentino (1986-1988).

Punong Barangay Leonilo Dimayuga (1988-1994).

PUNONG BARANGAY ROGETO G. COMETA (1994 – 2002) 

PUNONG BARANGAY LEONITO A.ROBISO (October 29, 2007) nahalal na Punong Barangay ang dati’y tresorero ng Barangay. Sa kaniyang unang panunungkulan kasama ang kaniyang mga Barangay Kagawad, sinikap na magkaroon ng Proyekto at ang una dito ay ang pagpapasemento ng Access Road papuntang Villapagasa National High School, Pagpapatayo ng Day Care Center sa Sitio Narra, at pagsasayos ng Barangay Health Center. Sa maikling panunungkulan ni Capt. ROBISO dahil siya ay binawian na ng buhay, kung kaya’t ang kanyang First Kagawad na si Kagawad FLAVIANO M. REANO, ang humaliling Punong Barangay ng Barangay Villapagasa. At sa kaniyang panunungkulan bilang Acting Punong Barangay ay ipinagpatuloy niya ang mga nakaprogramang proyekto kasama ng kanyang mga kagawad.  

PUNONG BARANGAY FLAVIANO M. REANO (October 2010 hanggang sa taong pangkasalukuyan.

 Sa panahong pangkasalukuyan ay maunlad na ang pamayanan ng Barangay Villapagasa at marami ng mga dayuhan  ang pinipiling manirahan sa Barangay dahil sa pagkakaroon ng maunlad na komunidad na may maayos na komunikasyon at mataas na antas ng pamumuhay dahil na din sa modernong panahon.