BRIEF HISTORY OF BANSUD
The Municipality of Bansud was created under Republic Act 2514 and inaugurated in July 4, 1959. The official name of town is Bansud. This was inaugurated by Congressman Jose Leido, Jr. and was witnessed by provincial and municipal officials of Oriental Mindoro and Bongabong. Bansud, a second class municipality is the thirteenth municipality among the fifteen towns of Oriental Mindoro. It is 91 kms away from Calapan City with a total land area land area of 34,347 hectares or 12.6% of the total land area of Oriental Mindoro( 432,472 hectares).
The founder and the first appointed Municipal Mayor of Bansud was Leon S. Mampusti with Paulino Dela Pena as the vice mayor. After four months of inauguration of the municipality, Bansud had its first local election, in November 1959. The winner Felimon G. Salcedo sworn in as first elected Mayor of Bansud with Paulino Dela Pena as the Vice Mayor but the election was contested by his opponent Leon S. Mampusti. Salcedo was the Mayor from 1960-1962, about this time the results of 1959 election was reversed by the COMELEC and Mampusti sworn in, serving the remaining years of the term. During the incumbency of Mayor salcedo, he was able to lay the cornerstone of the public market together with Cong. Leido. He was also able to protect and preserve the boundaries of the municipality from the encroachment of Bongabong. Bongabong tried to bully with its claim and demanded the return of Bato and part of Malo. Through diplomatic persuasion, Bongabong gave up with its claim. Salcedo was also able to obtain an item for a municipal court and a Bansudeno, a pioneer educator, Atty. Epifanio S. Malapitan was appointed first municipal judge. Marami na ring halalan ang nagdaan, maraming ngsilbi biling mga punong bayan tulad nina Alejandro Minay, Noel Averion, Prudente D. Soller na kanyang panahon naisagawa ang malaking gusali ng munisipyo at nakapagadhika ng mga lupang pagaari ng ating bayan, ipinagpatuloy ito ng kanyang anak na si Ferdinand Thomas Soller ang mga kaunlarang nasimulan, at ang ating kasalukuyang punong bayan HON. RONALDO MORTEL MORADA, na nahalal noong 2007 na dahil sa kanyang magandang pamamalakad at kahusayan muling nahalal sa ikatlong pagkakataon kasama si Vice Mayor Donato Manato at mga konsehal ng bayan. Mayor Morada has shown exemplary performance in his terms as Municipal Mayor. He has brought Bansud to be known not only in Oriental Mindoro but also in MIMAROPA through his many accomplishments proven by the different awards received by his office. After Mayor Morada’s three consecutive terms, in 2016, Hon. Angel Mindo Saulong was elected Municipal Mayor who made long term plans for our town while the former Mayor Morada was his Vice Mayor. In 2019, Mayor Ronaldo M. Morada came back as the Municipal Mayor for another term and last May 2022 election he was then again reelected as the Municipal Mayor of Bansud with Hon. Rico B. Tolentino as his Vice Mayor for the second term.
Ang bayan ng Bansud ay may mayamang lupain na sumusuporta sa iba’t ibang uri ng agrikultura. The economy of Bansud is agriculture-based. Ang kinikita ay nakasalalay sa produksyon ng agrikultura. Mahigit sa 10,000 hektarya ng lupa ang tinataniman ng iba’t ibang produkto tulad ng saging, niiyog, gulay, prutas at iba pa kung saan ang palay ang pinakapagunahing produkto nito.
Ang mga naunang nanirahan sa ating bayan ay may iba’t ibang dialekto sapagkat silaay nanggaling sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Tagalog ang pangunahing dialekto ng mga mamamayan dito kasunod ang Visaya, Ilokano, Bikolano at Mangyan.
Saksi ang mahabang panahon na ang mga mamamayan ng Bansud ay likas na makaDiyos ay may matibay na paniniwala sa Panginoon kung saan 84% ang mga Romano Katoliko. Kasunod nito ay ang maliit na % ng mga Iglesia ni Kristo, SDA, UCCP, at marami pang ibang sekta.
Ang atin ding mga ninuno ay mga mapagmahal sa kapayapaan. Bagamat galing sa iba’t ibang panig ng bansa, ngturingan sila bilang mga magkakamag-anak at nagtulungan sa mga pangangailangan sa buhay.
Ang edukasyon ay isa sa mga prioridad ng ating mga namumuno sa bayan at pinakamahalagang pinagtutuan ng pansin sapagkat naniniwala an gating mga naging lider at kasalukuyang lider na “Ang taong salat sa kaalaman ay taong kulang sa pakinabang”. At sa mga dahilang ito, nagsikap ang ating bayan na buuin ang matibay na pundasyon ng edukasyon sa ating bayan . Mula sa 11 paaralan na may 1,500 populasyon nagkaroon tayo ng 21 paaralang elemetarya pampubliko subalit dahil sa kakulangan ng magaaral, ang isa sa mga ito(Little Baguio ES) ay naipasara noong taong 2010. Subalit sa ngayo, ang bayan ng Bansud ay nadagdagan muli ng isa pang paaralan sa pagkakataag ng Magod Elementary School sa Sitio Magod, Barangay ng Malu. Mayroon na tayong 7 pampublikong paaralan sa sekundarya, Sa pribadong sektor tayo ay mayroong anim na paaralan sa elementarya at isa sa sekundarya, ang kaunaunahang HS na itinatag noon 1950 ni Atty. Efifanio Malapitan, ang BI.
Ang paaralang distrito ng Bansud ay pinamunuan ng mga tagamasid pampurok o district supervisors na galing sa iba’t ibang bayan mula 1959-1998 sa loob ng 39 na taon. Sina G. Patricio Fojas, Mr. Tirso Famadico, ay kapwa nagging Principals in-charge ng Distrito. Naitalaga ang kaunaunahang District Supervisor na Bansudeno noong 1994 sa katauhan ni Gng. Anacleta G. Sales. Maraming pagbabago sa larangan ng edukasyon sa ating bayan, meron tayo sa kasalukuyang TESDA, RSHS at ang PUP-Bansud Campus kung saan nasa ikalabing-apat n taon na sa ating bayan na ngayon ay isa ng Branch. Maraming mga mag-aaral ang dumarayo mua sa ibang bayan. Bukod dito marami ating mga paaralan sa elementarya at sekundarya kung saan nagsisikap na ang mga mag-aaral at mga guro ay maging globally competitive.
Sa larangan ng kalusugan, malayo na rin ang ating narating, dati isa lamang payak na health center, sa panahon ng administrasyon ng ating butihing Mayor Ronnie Morada, nagkaroon tayo ng BEMONC facility at ngayon ay makikita rin natin ang mga bagong gusaling karagdagan at mga pasilidad at kagamitan para sa dagdag na serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. Napanatili din ang kahusayan ng malawak na plasa at lagoon na katulad ng Burnham Park sa Baguio. Dati ay maalikabok na kalsada, ngayon ay sementadong mga daan kahit pa sa kalibliban. Dati ay madidilim na Barangay, ngayon ay maliwanag at maraming pag-asa ang tinatanaw dala ng liwanag ng pailaw na naihatid sa mamamayan. Sa 13 barangay, lahat ay naabot na ng ating pagpapailaw. Maging mga sementadong kalsada sa kasuloksulukan man ng liblib na lugar ay naipundar. Bukod pa dito, ipinagmamalaki natin sa buong lalawigan, na ang Bansud lamang ang tanging munisipalidad na may Madri Monte Municipal Beach Resort and Training Center kung saan idinadaos ang iba’t ibang mga pagpupulong at kasayahan. Makikita din natin ang iba’t ibang proyekto tulad ng Bansud two-Storey Commercial Center, Bagsakan Center, Disaster Rescue Training Center, Regional Evacuation Center, GAD Building and even the MIMAROPA Youth Center. Narito na rin sa atin ang PNP Police Training Institute, Regional Training Center ng MIMAROPA sa Sitio Ibong, Barangay Pag-asa, ang Provincial Jail at marami pang hindi nabanggit na mga proyektong isinasagawa na magiging kabahagi sa kasaysayan ng pagunlad ng ating mahal na bayan ng Bansud. As of now, we can truly say that commercially we are a developing town due to the existence of many businesses and commercial establishments. We have the Rural Bank of Bansud, Rural Bank of Pola, lending agencies and successful cooperatives. In addition to this, the latest technology of satellite communication is now available in the town. We have the cable networks, the local radio which is up to now operating in the municipality. We can even say that our town is on the way to have technologically equipped citizens.
Ngayon, masasabi nating may potential sa turismo ang bayang ito. Mayroon tayong dinarayong Municipal Park and Plaza kung saan nandudon ang open ampi theater, at ang pananatili Man Made Lagoon, at ang life- sized monument n gating National Hero, Dr. Jose Rizal, na kilala bilang “Rizal, the Intellectual” monument na inukit ni Eduardo Castrillo. Nandyan din ang ipinagmamalaki nating Madre Monte Resort and Training Center na pagaari ng ating bayan kalinsabay ang mga iba’t ibang pribadong resorts at hotels and restaurants na dinarayo na rin ng tagibang lugar.
Maipagmamalaki rin natin ang pagdiriwang ng makulay na ‘Basudani Festival, kung saan ipinakikita ng mga magkakatunggali ang pagpapasalamat sa Mahal na Sto. Nino ng mayamang ani. Bagamat naantala ng pandemya, maituturing itong yaman ng ating kultura. Meron din tayon Parolan Festival na pinasinulan at nalikha sa panahon ng panunungkulan ng ating butihing Mayor Ronaldo M. Morado. Nasundan ito ng “Christmas Village” sa naisip sa panahon ni Mayor Angel Saulong na ipinagpatuloy at pinalawak ng ating kasalukuyan Mayor Ronie Morada.
My townmates, my beloved leaders of this town led by our Municipal Mayor, Hon. Ronie Morada, much has been said about the history of Bansud, we had enough of blessings for our town, but what we have now is not yet enough. We know that our good Mayor has still many plans and dreams for our town, together with the loving people of Bansud, it’s important that we put and included in our history the espri de cor or spirit of oneness that we are enjoying now is the most significant accomplishment not only by our leaders but most especially by every Bansudeno.